5/22/08

Giveaways in any occasions!

me mga sample kami na mga picture na pwedeng gawing post card na pwede ipamigay sa lahat ng occasion,at pwede din kami mag set o icapture ang mga good memories nyo sa tulong ni tetsuya at ako.




ito ung mga sample na ginagawa ng mga mangyan dito,na pwede ding maging giveaways sa lahat ng occasion sa murang halaga,higit sa lahat makakatulong pa sa mga mangyan dito sa puerto.


bracelet at ibat-ibang belt na pang lalaki na gawa sa nito.


bracelet na gawa sa nito.


marami pa akong sample na mga pwede gawin ng mga mangyan,sila ay may talento ngunit kulang ng kaalaman,kung pagtotounan ng panahon turuan,mailalabas nila na sila ay may kakaibang talento sa passion.sa ngayon inuumpisahan na ng mga mangyan (mga taong naninirahan sa kabundukan)ang weeding gown na gawa sa buri..sa unti pang panahon matatapos na..mahirap gawin ang gown na gawa sa buri pero ginagawan nila ng paraan para magawa un at sa ngayon inuumpisahan na nila.nakakatuwa kasi nabibigyan sila ng pagkakataon ipakilala sa karamihan,sa kabila ng paninirahan sa kabundukan.


All the photos above by and with Tetsuya Endo. Copyright © 2008 Tetsuya Endo. All rights reserved.

5/19/08

GAWANG PINAS!

sakabila ng paninirahan dito sa puerto nilibot ang kabundukan,at ito isa sa mga bahay ng mga mangyan dito sa puerto.


mga kabataan na mangyan..sa kabila ng pagiging mangyan sila me talento.kaya naisip namin na ibahagi ang kanilang mga gawa.bilang pagtulong sa kanila sila ay gumagawa ng mga gawa sa buri nasa ibaba ang mga iba pa nilang gawa.ito ang mga sample na gawa sa buri,nito.simpleng bagay pero mahalaga sakanila..lalo na sa mga kababaihan para makatulong sa mga asawa.mailap ang trabaho sa mga taga mangyan sapagkat karamihan sa kanila walang ganun pinag-aralan pero sila ay may talento,at handang guamawa ng mga bagay kung bibigyan ng pagkakataon.sana sa paraan na to makatulong tayo,sila ay mga taong mangyan,katutubo pero sila din ay mahalaga sa mundo kahit karamihan sa kanila naninirahan sa kabundukan..sa mga ibang picture ng manyan product tingnan lang ang email na tetsu95jp@yahoo.co.jp.GAWANG PINOY,GAWANG PINAS!!!!!!!






















All the photos above by Tetsuya Endo. Copyright © 2008 Tetsuya Endo. All rights reserved.

5/17/08

MUNTING KWENTO!

Pinanganak sa butuan,lumaki sa bicutan namulat sa siyudad..pero ng matagpuan ang kabiyak ng puso pumayag manirahan sa mindoro..sa umpisa malungkot pero unti-unting naintindihan ang kagandahan ng puerto galera..madaming dagat na pagpipilian,bundok,at magagandang tanawin,puno,ilog,falls at kung anu-anu pa.higit sa lahat maramdaman ang peace of mind! at dito namin napili celebrate ang aming kasal,beach weeding sa puerto.at nais namin maibahagi sa iba ang kagandahan ng puerto galera mindoro.sa ngayon binubuo namin ni tetsuya na maging spot ang puerto ng kasal..PUERTO GALERA WEDDING! siya bilang photographer at creative director at ako bilang coordinator.sana maging bahagi kami ng iyong pinakamahalagang yugto ng inyong buhay!

two countries in one road!!!

Tetsuya and me..in two defferent place in one road.nagkakilala sa internet..nagkagustuhan sa kabila ng ibang culture,me tampuhan at minsan me awayan,sa kabila nun tumatag ang aming pagmamahalan.at nangako habang buhay magsasama sa kabila ng pagsubok.


japan..ang bayang pinangalingan ni tetsuya.


pinas,ang bayan ko!


karamihan sa mga babae pinapnagarap ang mala fairytale na kasal.sa munting simbahan na to ang pangarap namin plano iganap ang weeding namin..tahimik ..magandang tanawin..katabi ng dagat..higit sa lahat sa murang presyo parang mala fairytale nadin ang weeding namin.


nung una kala ko pangarap lang maging masaya.pero ngayon napatunayan ko lahat ng tao me karapang lumigaya..at me mga taong kabiyak ng puso..sang sulok man ng mundo.
















All the photos above by and with Tetsuya Endo. Copyright © 2008 Tetsuya Endo. All rights reserved.

5/15/08

paradise in puerto!!!!!

At Berhing Dulangan by Tetsuya Endo: Copyright © 2008 Tetsuya Endo. All rights reserved.














Verde Island Passage by Tetsuya Endo: Copyright © 2008 Tetsuya Endo. All rights reserved.


A Path to Manicnic by Tetsuya Endo: Copyright © 2008 Tetsuya Endo. All rights reserved.

SALAMAT SAYO

MY DREAMS COME TRUE its me and my husband to be!! for me siya ung dreams come true ko.this is my firsttime sa bloging kung sakaling me comment im willing to read..and im willing to learn.ginawa ko tong site na to to show kung gano kaganda ang puerto galera,di ako taga dito pero natagpuan ko dito and peace of mind..kasama ng mahal ko! sa tulong ng bf ko siya ay marketing stategist,copywriter,photographer.lahat ng picture na nandito sa blog ko siya kumuha...someday matupad ung dreams namin puerto galera weeding!!!!!!!!!!!